Sunday, June 23, 2013

BOOK REVIEW: My Girl, Sunday by Ella Raye Venice

 
Photo c/o Precious Hearts Romances
TITLE: My Girl, Sunday (4372)
AUTHOR: Ella Raye Venice
FROM: Precious Hearts Romances
PAGES: 128

Mga bata pa lang sila ay kinaiinisan na ni Sunday si Luan dahil noon pa man ay paborito na siya nitong asar- asarin. He would always make a way to make her day miserable. Nagtataka rin siya kung paanong maraming nagkakagusto rito. Dahil sa lakas ng sex appeal nito, pati siya ay nadamay sa “panggagayuma” rito ng isa sa mga babaeng nahuhumaling dito. Pakiramdam niya ay end of the world na nang mangyari iyon sa kanila ni Luan.
Pero habang tinutuklas nila ang maaaring maging solusyon sa problema nila, isang bagay ang natuklasan ni Sunday sa sarili niya, something she least expected.
She fell madly in love with Luan…


Thursday, June 20, 2013

BOOK REVIEW: In The Arms Of My Enemy by Mellicent Martinez



Photo c/o Precious Hearts Romances
 
 
TITLE: In The Arms Of My Enemy (4623)
AUTHOR: Mellicent Martinez
FROM: Precious Hearts Romances
PAGES: 128



“Stay away from Dylan. You’re ruining his life.” Iyon ang mga katagang binitiwan ng guwapo, matangkad, at mestisong si Filan Walterson kay Vanna nang bigla na lang itong sumulpot sa harap niya. Nakaawang ang bibig na tiningnan lang niya ito na parang ibang lengguwahe ang inusal nito.

Nalaman ni Vanna na ito pala ang nakatatandang kapatid ni Dylan, ang nobyo ng stepsister niyang si Erin. Hindi niya lubos- maisip kung paanong siya ang pinaghinalaan nitong nobya ni Dylan. Isa lang ang alam ni Vanna: hindi niya sasabihin kay Filan ang totoo na hindi siya ang girlfriend ng kapatid nito sa takot na si Erin naman ang guluhin at pagbantaan nito.

Pero nabisto pa rin sila nito nang mabuntis ni Dylan si Erin— isang bagay na isinisi sa kanya ni Filan.

Paano pa siya makakalayo sa anino ni Filan ngayong konektado na ang mga pamilya nila dahil sa batang nasa sinapupunan ni Erin? Ngayon pa namang kailangang-kailangan niyang makalayo rito dahil in love na siya sa lalaking ginawang miserable ang buhay niya.


BOOK REVIEW: Caught Up In Rapture by Sapphire Morales



 
Photo c/o Precious Hearts Romances
 
TITLE: Caught Up In Rapture (4714)
AUTHOR: Sapphire Morales
FROM: Precious Hearts Romances
PAGES: 128



Wala sa plano ni Kristine na ma-involve sa kahit kaninong lalaki. Kaya nga kung kani-kanino na siya ipinapa-date ng mga kaibigan niya pero wala pa ring nangyayari. Kulang na lang din ay ipagtulakan siya ng mga magulang niya para makipagrelasyon. Pero nanatiling nakatuon sa career ang atensiyon niya. She enjoyed being single. Sabi nga niya, “No commitment, no complications.”

Hanggang sa makilala niya si Richmond, ang bagong prospect ng mga kaibigan niya na i-match sa kanya. Kahit anong pagtataray ang gawin niya ay hindi iyon naging hadlang para ituloy ni Richmond ang panliligaw sa kanya. Para dito, isa siyang challenge na hindi nito puwedeng palampasin.

And he succeeded.

Kristine was starting to fall for Richmond when Shantal came. At tila walang balak ang babae na tigilan ang paghadlang sa pagmamahalan nila ni Richmond.

Hindi pa man sila nagkakarelasyon, problema na agad ang hatid ng lalaki. Sabi na nga niya, “No commitment, no complications.”

Monday, June 17, 2013

BOOK REVIEW: Loving Prime by Nikki Karenina



Photo c/o Precious Hearts Romances

TITLE: Loving Prime (4424)
AUTHOR: Nikki Karenina
FROM: Precious Hearts Romances
PAGES: 128

Dahil sa matinding galit ni Freya sa manlolokong boyfriend niya, naibunton niya sa sasakyan nito ang lahat ng galit niya. Only to find out later na nagkamali siya ng tingin sa plate number. Hindi pala ang sasakyan ng boyfriend niya ang na-“murder” niya kundi ang sa guwapong basketball player na si Prime Abellana!

Labag man sa loob niya, kailangan niyang tanggapin ang parusa nito. Magiging dakilang “alipin” siya nito at wala siyang magagawa kundi sumunod sa lahat ng ipag-uutos nito kung ayaw niyang dumeretso sa presinto. Guwapo nga ito pero nakaka-high blood ang ugali nito.

Pero isang araw ay dinala siya nito sa isang lugar kung saan hindi sinasadyang nakita niya ang isang side nito. Puwede pala itong maging lovable kung gugustuhin nito. Kaya isang araw, nagising siyang in love na rito. Hiling niya kay Kupido na sana ay panain nito nang bonggang-bongga ang puso ni Prime patungo sa kanya.

Unfortunately, hindi yata marunong makinig ng instruction si Kupido. Dahil pinana nga nito ang puso ni Prime, hindi naman patungo sa kanya kundi sa ibang babae. And worse, sa isa sa mga best friend pa niya…

Sunday, June 16, 2013

BOOK REVIEW: Fashionista In Love by Yna Paulina





Photo c/o Precious Hearts Romances




TITLE: Fashionista In Love (4763)
AUTHOR: Yna Paulina
FROM: Precious Hearts Romances
PAGES: 128
Para kay Tin, ang synonym ng “fashion” ay siya. Dahil sa branded na mga gamit, nakakalimutan niya ang kanyang ama na parang walang pakialam sa kanya. Dahil sa magagarang sapatos at damit, nawawala sa isip niya ang mga problema.

But one day, her father died and a dreadful secret came out—nakaw lang pala ang pinagmulan ng yaman nila. Noong taxi driver pa lang ang kanyang ama ay may nakaiwan ng bag na naglalaman ng napakalaking halaga sa taxi nito. Ang perang iyon ang ginamit ng kanyang ama sa pagsisimula ng negosyo na sa kalaunan ay lumago, sapat para bansagan itong “Hotel King.” Pero sa pagkawala nito ay siya ang napag-iwanan nito ng responsibilidad na ipagtapat ang katotohanan sa totoong nagmamay-ari ng perang pinagmulan ng kanilang yaman—si Mr. Gerardo Mercado. Mabubuting tao ang pamilya Mercado at sa kalaunan ay pinatawad siya ng mga ito.

Naging magkaibigan sila ng anak ni Mr. Mercado na si Tintin na kapangalan pa niya. Isa siya sa mga nag-alala nang bigla na lang itong nawala. Bakit nito kailangang umalis? Tintin had an amazing family. She also had Paul, her gorgeous fiancé.

Ginusto ni Tin na hanapin si Tintin. Sa paghahanap na iyon ay nakasama niya si Paul. Hindi niya inasahan na may kung anong damdamin na binuhay sa kanya ang binata. She found herself falling in love with Paul.

Namamana rin yata ang pagiging mang-aagaw. Her father stole somebody else’s money and now she was tempted to steal somebody else’s fiancé… fashionably.
 

Friday, June 14, 2013

MOVIE REVIEW: Windstruck






Movie Title: Windstruck 
Year Released: 2004
Cast: Jun Ji-hyun as Officer Yeo Kyung-jin, Jang Hyuk as Go Myung-woo
Country: South Korea 

A fantasy romantic-comedy about a strong-willed female police officer and a Physics teacher. Brought together by destiny, they shared a love that's constantly tested and a life of acceptance and second chances.


Thursday, June 13, 2013

BOOK REVIEW: Love The Ninja Way by Luna King



 
Photo c/o Precious Hearts Romances


TITLE: Love The Ninja Way (4573)
AUTHOR: Luna King
FROM: Precious Hearts Romances
PAGES: 128

Malaki ang naging kasalanan ni Audrey sa magkasintahang kaibigan niya na sina Prima at Keij nang muntik na siyang maging dahilan ng pagkasira ng love story ng mga ito. Kaya para makabawi sa magkasintahan ay nangako siya sa sariling pangangalagaan niya ang relasyon ng dalawa. Ginawa niyang misyon ang i-distract ang atensiyon ng lalaking may lihim na pagtingin kay Prima—si Exel, lalo na nang marinig niya ang sinabi nitong: “I’m going to have her back. I won’t let him win now.”

May balak itong agawin si Prima mula kay Keij! Doon na naalarma si Audrey at agad niyang isinagawa ang misyon. Sa misyon niyang iyon ay nag-a la ninja siya sa pagsunod-sunod kay Exel mahadlangan lang ang masamang plano nito. Sukdulang magpanggap pa siyang may gusto rito para lang hindi nito mahalata ang panggugulo niya sa diskarte nito.

But Audrey’s plan backfired on her. Mula sa misyon niyang ilayo si Exel kay Prima, naging misyon na niya ang paibigin ang binata. Because she fell in love with Exel!
 


BOOK REVIEW: Fall All Over Again by Dwayne Izzobelle



 
Photo c/o Precious Hearts Romances


TITLE: Fall All Over Again (4559)
AUTHOR: Dwayne Izzobelle
FROM: Precious Hearts Romances
PAGES: 128


Sa udyok ng isang kaibigan, sumali sa isang dating game sa radyo si Ember. Isang nagngangalang “Cyd” ang napili niyang maka-date.

Nang araw ng pagkikita nila, nagulat siya nang mapagtantong ito si Third, ang naging boyfriend niya noon sa probinsiya. Kahit mga bata pa lang sila noon, alam niyang totoong pag-ibig ang naramdaman nila para sa isa’t isa. Kaya labis siyang nalungkot nang hindi siya nito sinulatan kahit kailan gayong nag-iwan siya ng address dito.

Ngayon ay nais daw nitong dugtungan nila ang nasimulan nila noon. Inaamin niyang mahal pa rin niya si Cyd hanggang ngayon. Ngunit sa pagbabalik nito sa buhay niya, bumalik din ang isang masakit na alaala—isang multo ng kahapon na nagsasabing kailanman ay hindi sila para sa isa’t isa…


BOOK REVIEW: Mas Bagay Tayo by Lush Ericson



 
Photo c/o Precious Hearts Romances

TITLE: Mas Bagay Tayo (4670)
AUTHOR: Lush Ericson
FROM: Precious Hearts Romances
PAGES: 128

“Comedienne of the Year” si Trixia sa school nila kaya nang magtapat siya ng pag-ibig sa long-time crush na si Todd ay pinagtawanan lang siya nito at inakalang nagbibiro lamang siya. Nasaktan siya ngunit nagpasya ring mag-move on.

Sumali si Trixia sa isang dating Web site. Nakakilala siya roon ng mga lalaki na nagbigay ng atensiyon sa kanya sa kabila ng pagiging mataba niya. Pumayag siyang makipag-date sa ilan sa mga iyon. Ngunit ang labis niyang ipinagtataka ay ang presensiya ni Todd tuwing may date siya.

Hanggang isang araw ay si Todd ang nagyaya sa kanya ng date. Wala siyang ideya kung ano ang dahilan nito sa pagyayaya sa kanya ngunit hindi niya maiwasang umasa ang puso niya. Sa ikalawang pagkakataon ay nagtapat siya ng pag-ibig dito. Hindi nga siya pinagtawanan nito, ngunit umiwas naman ito sa kanya…



BOOK REVIEW: My Lovely Delinquent by Cranberry Laurel


Photo c/o Precious Hearts Romances
TITLE: My Lovely Delinquent (4661)
AUTHOR: Cranberry Laurel
FROM: Precious Hearts Romances
PAGES: 128

Nakilala ni Irish si Jeff noong panahong nuknukan pa siya ng pasaway sa eskuwelahang pinapasukan nila. Seatmate niya si Jeff—ang instant pero masungit na crush niya. Hindi naman nagtagal ay nabawasan ang pagiging masungit nito sa kanya. Dumating pa sa puntong naging tutor niya ito sa academics dahil tagilid ang grades niya. Si Jeff din ang dahilan kung bakit naisip niyang magbago.

Ngunit sadyang sinubukan si Irish ng tadhana. Nakulong siya at ang isang kaklase niyang lalaki sa loob ng CR ng eskuwelahan nila. Kagagawan iyon ng isang kaklase niya na nagseselos dahil sa atensiyong ibinibigay ni Jeff sa kanya. Noon lang niya nakitang nagalit nang matindi si Jeff. Pakiramdam niya ay nadurog nang pinong-pino ang puso niya. Sumabay pa roon ang problema niya sa pamilya kaya bigla siyang umalis ng bansa.

Maraming taon ang lumipas, bumalik si Irish sa Pilipinas. Dumalo siya sa high school reunion ng batch niya. At laking gulat niya nang agawin siya ni Jeff sa lalaking kasayaw niya. Bakit tila nagseselos ito? At bakit pakiramdam niya ngayon ay ito pa rin ang lalaking para sa kanya? Akala niya ay nabura na ito sa puso’t isipan niya. Mali pala siya. At mali rin pala ang pagkukumbinsi niya sa sariling anumang ugnayan mayroon sila ni Jeff noon ay bunga lang ng kanilang kabataan.

REVIEW GUIDELINES

Owwwkay. First post. This blog will mostly be about reviews on the stuff I'm into. It will be written in English or Tagalog or both. I'll be using the following guidelines and try my best to avoid spoilers:

1) GENRE. Lots of sub-genres for books, series, or movies today. Aside from the main genre, I'm just gonna say if it's more on the serious or funny side. If there's action or intense love scenes (usually for romance novels).

2) PLOT. If I find it easy to read/watch. If the scenes are related and necessary for the story.

3) POINT OF VIEW. For books only. 

4) CHARACTERS. Thoughts on the main characters and/or the villain. Or any characters that got my interest.

5) MEANING. What impression does the book/movie/series gave me? Maybe a realization about life or something.

6) COMPARISONS. If there are similarities to existing creations.

7) OTHER DETAILS. Scenes I remembered or have issues with, my favorite scenes, and the best dialogue.

8) CONCLUSION. Whether it was my cup of tea or not.

9) RATING


Please don't let my reviews stop you from purchasing the following books. Who knows what you'll experience with it? ;)