Thursday, July 18, 2013

Intermissions: On Why I Review

It's been a month since I started this blog and I wasn't really expecting to last that long in this (ahem) business. There were times when I wanted to put down a book midway, `cause I could feel my hair slowly going white as I go on reading, but then I thought to myself,  "what kind of person would call herself a reviewer and just review a book half way?". It was tempting to just use the straightforward approach and rant about my pains in reading this book and that (try reading random books, and you'll know why some reviewers get carried away and channel Hulk), but I guess I'm still in control of myself. LOL.

Bakit ba namin `to ginagawa? Para lang ba manlait ng bagong writers at pigilan silang magsulat? That's laughable. WHY would we stop them? WE WANT TO READ TAGALOG ROMANCE, and new writers are the FUTURE of Tagalog romance. Gawa man ng bago at beteranong writers, gusto naming basahin silang lahat. Pero gusto namin ay iyong may QUALITY. I understand that mass production favors the publisher and the authors. But for authors: IS THAT REALLY ALL YOU WANT?

Writers are given a great opportunity, and responsibility, to inspire change in the world, not just to entertain. That's what a writer is for me. Sounds like something a literary snob would say, huh? But if I was one, I wouldn't bother making this blog. Magpapakalunod na lang ako sa gawa ng mga akademiko at ni Stephen King. Pero malapit sa puso ko ang romance. At dahil ang romance ay isang genre na sobrang laki ng impluwensiya sa mundo, at ang PHR ang pinakasikat na local publishing company pagdating dito, natural lang siguro na umasa kami sa may kaledad na libro kahit paano. Gusto rin kasi naming ipagmalaki ito sa mundo. Gusto naming dumating ang panahong maraming local romance novels ang maisasalin naman sa ibang lengguwahe o magiging pelikula. How cool would that be?

"Authors, don't you dream about that, too? Don't you aspire to reach your writing potential?"

Hindi naman namin kailangan ng mga nobelang sobrang focused sa kalaliman ng human nature na nakakaantok nang basahin. Pero ayaw rin naman namin ng pampalipas-oras lang. Balanse, kumbaga—may aral at excitement. Bukod doon ay iyong maayos din ang pagkakasulat at pinag-isipan naman ang plot. Gusto namin iyong mga nobelang tipong worth it na ipaglaban mula sa mga kasambahay namin na makakita lang ng libro ay gusto nang sunugin.
 

I haven't mentioned this before, but I think it's obvious that I only review authors who are new and those in the middle of their careers. Those I consider veterans and have proven themselves already, I don't think they need to grace this blog. And there are other bloggers who review veteran PHR, MSV, or LM works anyway. I did this because I want newbies to realize that WE ARE WATCHING THEM. You are the future of Tagalog romance—future Gilda Olvidado, future Rose Tan, future Martha Cecilia, etc., but that depends on how you satisfy your readers and take care of your career.


Of course, you will still grow up and experience new things that will help you improve and achieve your writing potential. But if you can grow up now, why delay? Natatakot ba kayo na mawala ang fans ninyo na nasanay sa gawa ninyo? Don't be. if you do your best, every good thing will follow you. Don't be afraid to experiment. Staying in your comfort zone will only make you stagnant. You'll eventually have to get out of there and do something better. Always aim for maturity. Even children's books have it. They're not childish. They're just written in a way that children will understand their moral lessons. You can also do that with romance.

And for those who didn't receive favorable reviews and ratings, don't get angry at us. We have the right to say these things about your books. Even if you have loyal fans to save you, attitude will take you much higher up your goals. That is, if you have goals. And whatever you say, I know writers write because of something greater than money. You also want fame and respect. So, don't fool yourself. It's not just about the money, baby. 

------

That concludes my first ranting. And I think, once I get to review one book from every new writer (whew), I might retire. That is, if I don't get a stroke before that day comes. 

I want to thank the Facebook page PHR New Writers for providing albums for new (and not so new) writers. I snatched the photos and teasers from them. Like their page HERE.

Also, support the blogs and FB pages of reviewers, if only to find out the latest gossip and trending topics. You know you want it.

To the authors, I hoped I helped you guys in some way. I know writing is hard, but not writing when you have the itch is harder. Take care of your careers. Keep growing and you'll bloom in time.

And watch out for the next reviews. Ciao. 

Wednesday, July 10, 2013

BOOK REVIEW: Harana Ng Puso by Avi Cabrera

Photo c/o Precious Hearts Romances


TITLE:Harana Ng Puso (4851)
AUTHOR: Avi Cabrera
FROM: Precious Hearts Romances
PAGES: 128

Manang daw si Annie. Sa edad niyang dalawampu, hindi pa niya nararanasang magka-boyfriend, magkaroon ng first kiss, at magkaroon ng dates. Wala siyang inatupag kundi maging isang mabuting estudyante at mabuting anak. But fate intervened. Inilagak niyon sa pintuan ng bahay nila ang guwapo, sikat, at pilyong si Bane. He was a rocker and he rocked her world. Kumbaga sa geometry, one hundred eighty degrees ang inikot ng mundo niya mula nang makilala niya ito. Natagpuan niya ang sariling nahuhulog dito sa kabila ng kaalamang hindi ito ang tipo na nagseseryoso sa mga relasyon. At tama siya. Sa kaunting pagsubok ay iniwan siya nito. At ngayong muli itong nagbabalik sa buhay niya, sapat na ba ang damdaming ginising nito sa puso niya upang tanggapin uli niya ito.


BOOK REVIEW: Untitled Love Song by Estela Anderson

Photo c/o Precious Hearts Romances


TITLE:Untitled Love Song (4859)
AUTHOR: Estela Anderson
FROM: Precious Hearts Romances
PAGES: 128

Isang rebeldeng anak si Grezell kaya ipinatapon siya ng kanyang ama sa Isla Bellizima. At kahit saang lupalop pa siya ipatapon nito, isa lang ang sinabi niya sa sarili: Walang makakapagpatiklop sa kanya.
Iyon ang akala niya.
Dahil nang makilala niya si Luke na kaibigan ng pinsan niya, panay ang buntot at pangongonsiyensiya nito sa kanya na hindi niya alam kung bakit umeepekto sa kanya. Napasunod siya nito. Sa huli, nahulog ang loob nila sa isa’t isa at naging opisyal ang kanilang relasyon. Tinuruan siya nitong mangarap at tuparin iyon. Pero hindi niya alam na sa pagtupad niya sa kanyang mga pangarap ay ang pagkawala rin ni Luke, ang lalaking bumago sa buhay niya. At hindi na pala ito babalik pa.




Monday, July 1, 2013

BOOK REVIEW: Let Me Love You by Skye Reyes

 
Photo c/o Precious Hearts Romances


TITLE: Let Me Love You (4744)
AUTHOR: Skye Reyes
FROM: Precious Hearts Romances
PAGES: 128


Matalik na kaibigan ni Chrissa sina Aldrich at Rane. Pero nasira ang pagkakaibigan nila nang mabunyag na si Rane pala ang lihim na minamahal ng fiancée ni Aldrich. Naipit si Chrissa sa dalawang kaibigan niya, pati na rin sa pagsintang-pururot niya para kay Aldrich. Lihim kasing nagbunyi ang puso niya nang maisip niyang may pag-asa pa ang dalawang dekadang pagmamahal niya para dito.
Sinamahan niya si Aldrich at inalo sa pagkabigo nito. Nang hindi na siya makatiis ay nagtapat siya. At gumuho ang mundo niya nang tanggihan siya nito. Pero isang araw ay binawi nito ang sinabi at iginiit na subukan diumano nila. Kaya naman mula sa pagiging magkaibigan ay naging mag-MU sila.
Tunay na malabong usapan ang namagitan sa kanila dahil isang araw ay nakita niyang magkayakap ito at ang dating fiancée nito…


BOOK REVIEW: Forever With You by Cady Lorenzana

 
Photo c/o Precious Hearts Romances


TITLE: Forever With You (4509)
AUTHOR: Cady Lorenzana
FROM: Precious Hearts Romances
PAGES: 128


“Gumawa tayo ng rules! Hindi kasali ang kiss!” giit ni Lady kay Guji. “Ha? Eh, paano tayo magiging effective na lovers niyan kung walang kiss?”
“Puwede namang holding hands o hug basta walang kiss!” He twitched his lips. “At bakit naman? Masama ba ang lasa ng mga labi ko kaya ayaw mong mahalikan akong muli?” sabi nito at unti-unti pang inilapit ang mukha sa kanya.
Parang binabayo ng sampung kabayo ang dibdib ni Lady habang inilalapit ni Guji ang mukha nito sa mukha niya. Naguguluhan si Lady sa nangyayari sa kanya. Nagkakasundo pa lang sila ni Guji sa mga batas na gagawin nilang palabas pero pakiramdam niya ay nagtataksil na ang puso niya. Hindi siya puwedeng ma-in love dito dahil nagpapanggap lang silang magnobyo.
Kailangan niyang pigilan ang sarili niya. Guji was a self-professed playboy. She shouldn’t fall for his overpowering charms. Ngunit kaya ba niyang tanggihan ang makulit na puso niya? Lalo na at ipinaglihi yata sa asukal ang lalaking wala na nga silang audience ay feel na feel pa rin ang pagiging artista nito?