Monday, July 1, 2013

BOOK REVIEW: Forever With You by Cady Lorenzana

 
Photo c/o Precious Hearts Romances


TITLE: Forever With You (4509)
AUTHOR: Cady Lorenzana
FROM: Precious Hearts Romances
PAGES: 128


“Gumawa tayo ng rules! Hindi kasali ang kiss!” giit ni Lady kay Guji. “Ha? Eh, paano tayo magiging effective na lovers niyan kung walang kiss?”
“Puwede namang holding hands o hug basta walang kiss!” He twitched his lips. “At bakit naman? Masama ba ang lasa ng mga labi ko kaya ayaw mong mahalikan akong muli?” sabi nito at unti-unti pang inilapit ang mukha sa kanya.
Parang binabayo ng sampung kabayo ang dibdib ni Lady habang inilalapit ni Guji ang mukha nito sa mukha niya. Naguguluhan si Lady sa nangyayari sa kanya. Nagkakasundo pa lang sila ni Guji sa mga batas na gagawin nilang palabas pero pakiramdam niya ay nagtataksil na ang puso niya. Hindi siya puwedeng ma-in love dito dahil nagpapanggap lang silang magnobyo.
Kailangan niyang pigilan ang sarili niya. Guji was a self-professed playboy. She shouldn’t fall for his overpowering charms. Ngunit kaya ba niyang tanggihan ang makulit na puso niya? Lalo na at ipinaglihi yata sa asukal ang lalaking wala na nga silang audience ay feel na feel pa rin ang pagiging artista nito?




REVIEW

GENRE
Romance

PLOT
The middle part was weak. The conflict did not deliver.

POINT OF VIEW
  

CHARACTERS
LADY
I hate that I can easily guess why the character was named Lady. And I'll hate it more if chapter one was made for the sole purpose of making fun of her name. It did not work for me. Cliche. As for Lady's character, I hope her throat and blood pressure are still normal. Mine was certainly not after seeing too many exclamation points! Nawalan na ng finesse `yong heroine. :(

GUJI
I like confident heroes, BUT... it turns me off when they fail to describe themselves. Nawawala ang mystery kapag hindi naingatan ang paghawak sa hero POV.  

MEANING
n/a

COMPARISONS
n/a

OTHER DETAILS

Why, why, WHY do writers like to waste the heroine's first kiss? I wish they put more effort, more moment, to the physical contact. Sayang.

Hindi ako nasiyahan sa kinahantungan ng mistaken-identity-adventure ni Lady. Sinong matinong independent na babae ang papayag masangkot ng basta sa kinasangkutan ni Lady? I was disappointed with this girl. I can't accept that she was that...

Hilaw pa ang chapter one. "First impressions last" is true for me.

Alam n`yo `yong tig-pisong adhesive tape? Ganoon ang mga eksena sa story na ito. Hindi makapit.

Natuwa naman ako sa corny moments. Iyong feeling na nanonood ka ng isang amateur play at natatawa ka lang dahil mga kaibigan mo `yong gumaganap? 

The descriptions lack power.

Favorite scene... I couldn't remember any outstanding scene.

The best dialogue goes to Guji's mother. That last part when she cornered Guji.

CONCLUSION
Mababaw ang conflict. Wala ring backbone ang characters. Pakiramdam ko nagpapatangay lang sila sa hangin. Nakuntento na lang din ang mga ito sa misunderstanding. Ang hirap magbasa ng ganon na alanganin hanggang sa huli. Or was I expecting too much in a PHR book? Anyway, I didn't like it that much. But why the 2 stars rating? Siguro dahil na-separate si Guji kay Rene. Playboy vs. Player. For me, there's a big difference and I'm relieved na kahit paano ay nagbago si Guji.


RATING:  2 STARS  ★ ★

No comments:

Post a Comment